Isang walong taong gulang na estudyante sa Maynila ang nasawi dahil sa meningococcemia.
Kinumpirma ng Manila Health Office ang isang kaso ng meningococcemia sa Paco Catholic School kung saan isinugod sa ospital ang biktima nuong Biyernes at kaagad nasawi kinabukasan.
Kaagad namang nagbigay ng antibiotic sa mga kaklase ng biktima ang staff ng city health office na nagbigay din ng mga impormasyon sa mga ito hinggil sa meningococcemia.
Nilinaw naman ng mga awtoridad na ligtas pa ring pumasok ang mga estudyante at tuloy ang kanilang klase lalo na’t limited lamang ang transmission ng meningococcemia na kabilang sa mga sintomas ang mataas na lagnat, sakit ng ulo, stiff neck, pagkahilo, convulsions, pagsusuka, pag-uubo at rashes.
—-