Patuloy umano ang paglakas muli ng puwersa ng teroristang grupong Taliban sa malaking bahagi ng Afghanistan.
Halos pitumpung porsyento na ng Afghanistan ang kontrolado o nagbabadyang masakop ng tuluyan ng Taliban simula nang umalis sa bansa ang foreign combat troops sa pangunguna ng U.S. Armed Forces.
Batay sa international media research, labing-apat na distrito o apat na porsyento ng bansa ang kontrolado ng Taliban habang 263 o 66 percent ang mayroong mataas na presensya ng mga terorista.
Bagaman mas aktibo ang Islamic State sa bansa kumpara noong mga nakalipas na taon, nananatiling mahina ang pwersa ng ISIS kaysa sa Taliban.
Samantala, itinanggi naman ng Afghan Government ang ulat at iginiit na kontrolado nila ang malaking bahagi ng bansa lalo ang kabisera na Kabul sa kabila ng magkakasundo na pag-atake ng Taliban at ISIS na ikinasawi na ng mahigit 100 sa nakalipas lamang na isang linggo.