Aabot na sa 32.6 million cubic meters ang ibinugang volcanic material ng bulkang Mayon.
Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS-Bicol Chief Ed Laguerta, kayang punan ng mga ibinuga ng Mayon ang labin tatlong libong (13,000) Olympic- sized na swimming pool.
Sa ngayon, sinabi ni Laguerta na patuloy pa rin ang pagdaloy ng lava sa bulkan.
Samantala, sa kabila ng mga nakanselang flight, tumaas pa ng dalawampu’t limang (25) porsyento ang turismo sa Albay nitong Enero kumpara sa kaparehong period noong 2017.
—-