Kinondena ng National Democratic Front o NDF ang pag-aresto sa kanilang consultant na si Rafael Baylosis.
Hinikayat ng NDF ang mga organisasyon at mga Pilipinong nagmamahal sa bayan na maglunsad ng kampanya upang mapalaya si Baylosis.
Ayon kay Luis Jalandoni, Senior Adviser ng NDFP Negotiating Panel, ang pag-aresto kay Baylosis ay malinaw na paglabag sa JASIG o GRP-NDFP Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees na nabuo noong 1995.
Binigyang diin ni Jalandoni na isang legal na kasunduan ang JASIG sa pagitan ng pamahalaan at NDFP kaya’t dapat itong igalang ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Tinitiyak ng JASIG na lahat ng lumalahok sa peace talks ay ligtas sa paniniktik, harassment, pag-aresto, pagkulong, demanda o anumang kahalintulad na aksyon ng pamahalaan.
Una rito, ipinag-utos ng korte ang pagpapaaresto sa mga consultants ng NDFP na pinalaya lamang upang makalahok sa peace talks matapos kanselahin ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pag uusap.
—-