Patay ang apatnapo’t siyam (49) na Kurdish fighters sa inilunsad na airstrike ng gobyerno ng Turkey.
Ayon sa ulat, dalawang pag-atake ang ikinasa ng Turkish warplane na nagresulta sa pagkasira ng tirahan, hideout at armas ng naturang militant group.
Dahil dito, napigilan ng Turkish forces ang pinaplano umanong pag-atake ng mga militante sa border ng Turkey.
Matatandaang 1980’s pa nang magsimula ang insurhensya sa Turkey sa pangunguna ng Kurdistan workers party.