Umarangkada na ang systems audit sa MRT – 3 ng limangpung (50) railway experts at engineers mula sa Japan International Cooperation Agency o JICA.
Ayon sa Department of Transportation o DOTr, mahalaga ang systems audit upang malaman kung anong klase ng rehabilitasyon at restorasyon ang dapat gawin sa MRT – 3.
Ang rehabilitasyon ng MRT – 3 ay isasagawa ng maintenance provider na irerekomenda ng JICA.
Ang systems audit ng JICA ay hiwalay pa sa independent audit at ‘assessment’ na isinagawa ng TUV Theinland para sa kabuuan ng MRT – 3 kabilang na ang apatnapo’t walong (48) mga train car na nagmula sa CRRC dahilan na sinasabing hindi ‘compatible’ sa riles ng MRT – 3.