Idinepensa ni Philippine National Police (PNP) Chief Ronald Dela Rosa ang pagbili ng pambansang pulisya ng mga ‘bomb sniffing dogs’ sa halip na mga body camera.
Kasunod ito ng naging puna ni Senador Ralph Recto na inuna pang bilhin ng PNP ang nasa apatnapo’t walong (48) K9 – units na nagkakahalaga ng tig kalahating milyong piso.
Paliwanag ni Dela Rosa, mas magagamit ang mga K9 unit sa paglaban kontra terorismo lalo pa’t may banta ng ISIS sa bansa kumpara sa mga body camera.
Giit pa ng PNP Chief na sa 2017 budget isinama ang pagbili ng mga K9 unit habang sa 2018 budget naman ang mga body camera.
Mayroon nang dalawang daan at walong (208) K9 unit ang PNP sa kasalukuyan.
‘Body cameras’ na bibilhin ng PNP inaasahang makukuha sa buwan ng Hunyo
Posibleng magamit na ng mga pulis sa darating na Hunyo ang mga body camera na bibilhin ng PNP.
Ayon kay PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa, minamadali na nila ang proseso sa pagbili ng body cameras at sa katunayan ay may kakausapin na silang supplier nito sa darating na Lunes, Pebrero 5.
Tinatayang nasa mahigit tatlong daang milyong piso (P300-M) ang inilaang pondo ng PNP sa pagbili ng body camera na water proof, may 16 mega pixels, 32 gigabytes at may night vision capability
Kasama din sa nasabing pondo ang pagbili ng real time monitoring system para mapanood ng live sa mga istasyon o headquarters ang kuha ng mga operatiba