Laya na ang isang kaanak ng mga Maute matapos walang makitang sapat na ebidensya ang DOJ para kasuhan ito ng rebelyon.
Pinalaya si Najiya Dilangalen Karon Maute alis Najiya Sultana Dilangalen Karon kasunod ng inquest resolution na inisyu ng investigating panel sa pangunguna ni Senior Assistant State Prosecutor Peter Ong.
Si Maute ay naaresto nuong January 23 sa Brgy Rosary Heigths 3 sa Cotabato City kaugnay sa Marawi Siege.
Gayunman sinabi ng DOJ na hindi na uubrang ma inquest ang isinampang reklamo ng PNP CIDG dahil ang umanoy ibinigay na tulong ni Maute ay nangyari nuong May 2017 kayat ang kaso ay dapat dumaan sa regular preliminary investigation.
Itinakda naman ng DOJ ang unang preliminary investigation hearing sa February 14.