Ilang evacuees na apektado ng aktibidad ng Bulkang Mayon ang nagsauli ng mga de latang kasama sa ibinigay na relief goods dahil sa sira na ang mga ito
Ayon kay Regina Eshaluce, social worker isang babaeng evacuee mula sa Barangay Bical ang isinoli ang isang lata ng sardinas dahil sa mabahong amoy
Gayunman hindi naman tiyak ni Eshaluce kung ito nga ay galing sa mga naibigay na relief goods ngunit kanila pa rin itong pinalitan
Samantala, ilang evacuees din ang nag report na may apat na relief packs na galing umano sa Department of Social Welfare and Development na nakitaan ng mga insekto sa loob ng kahon.
Ipinabatid naman ni Cedric Daep, Chief ng Albay Disaster Risk Reduction and Management Council na wala pa silang natatanggap na reklamo na kaugnay ng nasabing insidente