Dumating na sa South Korea ang sampung (10) North Korean skiers at skaters upang makibahagi sa Pyeongchang Winter Olympics simula Pebrero 9 hanggang 25.
Ang mga nabanggit na atleta ay kabilang sa pinagsanib na North at South Korean team sa ilalim ng isang Korean flag na bahagi ng pina-plantsang unification process.
Ang sampung atleta mula NoKor ang unang batch ng mga delegadong dumating sa Gangneung, South Korea.
Siyamnapu’t dalawang (92) bansa ang lalahok sa isandaan at pitong (107) sports events ng Winter Olympics.
—-