Hindi crackdown laban sa komunistang grupo ang pagkaka aresto kay NDF Consultant Rafael Baylosis.
Nilinaw ito ni Labor Secretary at Government Chief Negotiator Silvestre Bello the Third dahil may kinakaharap na kaso at arrest warrant si Baylosis na tulad ng ibang NDF Consultant ay pinalaya lamang dahil sa papel nila sa Peacetalks na nakansela na.
At dahil kanselado na ang Peacetalks sinabi ni Bello na wala nang dahilan para magamit pa nila ang JASIG o Joint Agreement on Security and Immunity Guarantee at dapat na silang maibalik sa kulungan.