Muling iginiit ni Philippine National Police o PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na hindi nila maipapangako na magiging hindi madugo ang muli nilang pagpapatupad ng Oplan Tokhang.
Sinabi ni Dela Rosa na gagawin lamang nila ang lahat para maging matagumpay ang muling paglulunsad ng Oplan Tokhang.
Mapipilitan lamang aniya ang PNP na maging madugo ang operasyon sakaling manlaban ang mga aarestuhing suspek.
Inamin naman ni Dela Rosa na may mga nagaganap na pang-aabuso ng mga Kapulisan noong nakaraang anti-drug operations kaya nagsagawa sila ng improvement dito.
Samantala, ikinatuwa ng PNP Chief na walang mga naitalang napatay na drug users sa isang linggong muling pagpapatupad ng Oplan Tokhang.
—-