Nagbabala ang isang militanteng Kongresista ng posibleng pagganti ng New People’s Army o NPA dahil sa sunod-sunod na pag-aresto sa mga National Democratic Front (NDF) consultant.
Ayon kay Anakpawis Represenattive Ariel Casilao, kung magtutuloy-tuloy ang mga pag-aresto sa mga consultant baka arestuhin na din nila ang mga negotiator at consultant ng pamahalaan hanggang sa maging cycle o paulit-ulit ang mga mangyayaring pag-aresto sa magkabilang panig.
Inihayag ito ni Casilao matapos maaresto ang mga NDF consultant na sina Rafael Baylosis, Rommel Salinas at ang finance officer ng NPA na si Leonida Guao.
Matatandaang ayon kay National Security Adviser Hermogenes Esperon, nakahanda ang pamahalaan sa anumang posibleng pagganti ng mga miyembro ng NPA.
Binigyang diin din ni Esperon na walang nilalabag ang pamahalaan sa pagkakaaresto sa consultant ng NDF na si Rafael Baylosis.