Sinalag ni Kapuso star Paolo Contis ang opinyon ng ilang kritiko na tila hindi maayos ang takbo ng buhay ng Kapamilya star at kaibigan niyang si John Lloyd Cruz.
Sa tingin ni Paolo ay ginusto naman ni John Lloyd ang kasalukuyang sitwasyon nito.
Anya, mas manghihinayang siya kung talagang may ginawang masama si Lloydie.
Ayon kay Paolo, tila gusto naman ng kaibigan ang ginagawa at hangga’t masaya ito sa kanyang kasalukuyang lovelife sa piling ng Kapamilya star na si Ellen Adarna ay hindi ito issue.
Dagdag pa ng Kapuso actor, hangga’t walang sinasaktang tao si John Lloyd at masaya siya para rito.
Nagkasama sina Paolo at John Lloyd sa dating youth-oriented drama series ng ABS-CBN na “Tabing Ilog” noong 1999 hanggang 2003.