Nakatakdang maghain ng reklamo ang PAO o Public Attorney’s Office laban sa mga personalidad na sangkot sa kontrobersya sa Dengvaxia dengue vaccine, bukas.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni PAO Chief Atty. Percida Rueda Acosta, kanila na lamang hinihintay ang histopathology ng unang batch ng kanilang sinuring mga batang nasawi matapos maturukan ng Dengvaxia.
Gayunman, hindi na idinetalye ni Acosta kung sinu-sino ang kabilang sa kanilang mga kakasuhan.
Impormasyong nakarating kay Presidential Spokesperson Harry Roque posibleng mali – PAO Chief
Posibleng mali ang nakarating na impormasyon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
Ito ang reaksyon ni Public Attorney’s Office Chief Percida Rueda Acosta sa pahayag ni Roque kaugnay ng ipinalabas na report ng DOH o Department of Health hinggil sa mga batang nasawi umano matapos mabakunahan ng Dengvaxia.
Ayon kay Acosta, dapat sinuri munang mabuti ni Roque ang nasabing report.
Una rito, sinabi ni Roque sa isang pulong balitaan na maituturing na good news para sa mga magulang ng mahigit 8,000 mga batang nabakunahan ng Dengvaxia ang resulta ng pag-aaral ng mga eksperto mula sa UPGH.
Ito aniya ay matapos lumabas na isa lamang mula sa 14 na mga batang sinuri ang posibleng may kinalaman sa Dengvaxia vaccine ang sanhi ng pagkasawi nito.
Posted by: Robert Eugenio