Pursigido ang India na lumagda sa isang mutual defense cooperation sa Pilipinas at iba pang karatig bansa sa Timog-Silangang Asya sa gitna ng tensyon sa South China Sea.
Ayon kay Pritee Saran, Secretary for East Asia ng Indian Ministry-External Affairs, kabilang ang peace at security sa rehiyon sa mga pangunahing agenda ng plan of action ng India-Association of Southeast Asian Nations Cooperation para sa 2016 hanggang 2020.
Panahon na aniya upang magkaroon ng military cooperation agreement kabilang ang posibleng joint exercises sa mga karatig bansa sa Asya.
Ipinunto ni Saran na ang maritime security sa rehiyon ang isa sa nakikita ng India bilang isa sa pinakamahalagang aspeto ng lumalawak na trade relations sa pagitan ng India at ASEAN.
—-