Ipinag-utos na ng gobyerno ng Maldives sa militar na labanan ang anumang hakbang ng Supreme Court na ipa-aresto o ipa-impeach si President Abdulla Yameen.
Magugunitang nagdesisyon ang SC na ang paglilitis sa naka-exile na si dating Pangulong Mohamed Nasheed ay labag sa batas kaya’t kailangan itong palayain kasama ang siyam (9) na militar police.
Gayunman, tumanggi ang gobyerno na tumalima sa pasya ng Korte Suprema at sa halip ay sinuspinde ang parliyamento.
Nanindigan si Maldives Attorney-General Mohamed Anil na anumang tangkang pagpapa-aresto o pagpapa-impeach sa Pangulo ay magiging iligal.
Sakaling ituloy ng korte ang kautusan nito ay tiyak na hahantong sa national security crisis.
—-