Nagbanta ang International Olympic Committee (IOC) na posibleng tanggalin ang boxing sa Tokyo 2020 Olympic Games.
Ayon sa IOC Executive Board, hindi sila kuntento sa report ng Amateur International Boxing Association (AIBA) hinggil sa paghawak nito ng laban, refereeing at anti-doping issue.
Kasunod na din ito ng pagkakasa ng IOC ng imbestigasyon sa alegasyon ng ‘game fixing’ sa boxing noong 2016 Rio Olympics boxing at pinasusumite ang AIBA ng dagdag na report hanggang Abril 30.
Nanindigan ang IOC na nasa kamay na nila kung isasama pa rin ang boxing sa Youth Olympic Games sa Buenos Aires ngayong taon at sa Olympic Games sa Tokyo.
Sinabi naman ng AIBA na dapat intindihin ng IOC na kailangan ng mahabang oras para sa proseso subalit tiniyak ang pagsusumite nila ng report hinggil sa isyu sa itinakdang deadline sa Abril 30.