Inatasan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang BI o Bureau of Immigration na mangalap ng mga dagdag na ebidensya laban sa tatlong sinibak na kawani ng kagawaran.
Ayon mismo iyan sa kalihim makaraang kasuhan na NBI o National Bureau of Investigation laban ang tatlo dahil sa iligal na pagpo-proseso ng quota visa sa mga Chinese nationals na nagsisilbi nilang parokyano.
Dahil dito, sinabi ni Aguirre na awtomatiko nang pasok sa immigration look-out bulletin ang tatlo dahil sa mayruon nang umiiral na kaso laban sa kanila.
Dagdag pa ng kalihim, umamin din ang tatlo na ginaya nila ang lagda ng isang opisyal ng DOJ para maniwala ang kanilang mga kliyente kapalit ang malaking halaga ng salapi.
Kasunod nito, aminado ang kalihim na marami ang natutukso sa kanilang trabaho subalit binalaan niya ang mga ito sa ipinatutupad nilang One Strike Policy sa sinumang masasangkot sa katiwalian.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Bert Mozo
Posted by: Robert Eugenio