Bumuo ang DOE o Department of Energy ng IMO o Independent Market Operator para sa wholesale electricity spot market.
Ayon kay Energy Secretary Alfonsi Cusi, makakatulong ang IMO upang makatiyak ang mga konsyumer ng mura at matatag na suplay ng kuryente.
Dagdag pa ni Cusi, magkakaroon din ng kalayaan ang mga konsyumer para makapamili kung saan nila nais kumuha ng suplay ng kuryente dahil sa ibibigay na opsyon ng IMO.
Ipinabatid ng kalihim na ang mandato ng IMO ay pinagsamang mandato ng DOE at energy regulatory commission.
Posted by: Robert Eugenio