Pagpapaliwanagin muna ng Department of Energy o DOE ang mga kumpaniya ng langis sa bawat ipatutupad nilang pagtaas ng presyo sa kanilang mga produktong petrolyo.
Ayon sa DOE, sa susunod na linggo ay maglalabas na sila ng pormal na kautusan kaugnay dito.
Nakasaad sa nasabing ilalabas na kautasan na kailangan i-detalye ng mga kumpaniya ng langis kung bakit kailangan nilang magpatupad ng pagbabago sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo.
Hindi na umano nila tatanggapin ang madalas na dahilan ng mga oil company na paggalaw ng presyuhan sa pandaigdigang merkado.
—-