Kinuha ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ang serbisyo ng isang British consultancy firm para solusyunan ang air traffic congestion sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Kumpiyansa si DOTC Secretary Emilio Abaya na malaki ang maitutulong ng National Air Traffic Service o NATS na kilala sa buong mundo bilang eksperto sa air traffic management.
Ito aniya ay bahagi ng 66 million NAIA runway optimization project na naglalayon na maparami sa 60 mula sa 40 ang air traffic movement sa NAIA para maibsan ang congestion at pagkaantala ng mga flights.
Ang naturang kumpanya ang nakatulong sa paglutas ng problema sa flight congestion sa Dubai, Singapore at Heathrow airport.
By Rianne Briones