Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya hahayaang lumaganap pa ang smuggling sa Pilipinas sa ilalim ng kaniyang administrasyon.
Ito ang matigas na pahayag ng Pangulo nang saksihan nito ang pagwasak sa 20 smuggled na mga mamahaling sasakyan sa tanggapan ng BOC o Bureau of Customs sa lungsod ng Maynila kahapon.
Ilan sa mga winasak ay ang mga kotseng Lexus, Audi, Jaguar, Mercedes, BMW at Corvette Stingray na nagkakahalaga ng mahigit 61 Bilyong Piso.
Sa kaniyang talumpati kasabay ng ika-116 na anibersaryo ng Aduana, umaasa pa rin ang Pangulo na mapakikinabangan pa rin ang mga winasak na Luxury vehicles bagaman wasak na ang mga ito.
Kasunod nito, idinepensa rin ng Pangulo ang mga taga BOC at sinabing hindi kurap o tiwali ang karamihan sa mga kawani nito.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Jopel Pelenio
Posted by: Robert Eugenio