Magsasagawa ng isang job fair ang DOLE o Department of Labor and Employment para sa mga Overseas Filipino Worker na naghahanap buhay sa Middle East.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello the Third, ito ay upang mahikayat ang mga OFW sa gitnang silangan na umuwi na ng Pilipinas at dito na lamang magtrabaho.
Isasagawa ang malakihang job fair sa Qatar na tatagal umano ng isang lingo.
Tinatayang nasa 18,000 trabaho ang inihanda ng DOLE sa mga OFW katuwang dito ang ilang mga private sector para sa mga skilled at semi-skilled worker, lalo na sa construction industry.
Bukod dito, 2,000 guro ang kinakailangan ng Department of Education.
Giit ni Bello, alam niyang mas malaki ang sahod ng mga skilled at semi skilled worker sa ibang bansa ngunit dapat din na isipin ang mga insidente ng pang aabuso sa ilang OFW.
Posted by: Robert Eugenio