Tuloy na tuloy na sa Mayo ang halalan para sa mga posisyong pang – Barangay at Sangguniang Kabataan o SK.
Sa joint press conference kahapon, Pebreo 6, ng Commission on Elections (COMELEC) at Department of the Interior and Local Government (DILG), sinabi ni DILG Undersecretary Martin Diño na magaganap ang halalan sa ng Mayo 14.
Ayon kay Diño, itinakda ang paghahain ng Certificate of Candidacy o COC mula Abril 14 hanggang 20 habang ang campaign period ay magsisimula sa Mayo 4 hanggang 12.
Kasabay nito, inilunsad ng DILG ang ‘Matino, Mahusay, at Maasahan’ information drive na humihikayat sa mga botante na huwag iboto ang mga opisyal na sangkot sa operasyon ng iligal na droga.
Matatandaang sinuspinde ng COMELEC ang pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Marawi City.
Ito ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez ay dahil sa kondisyon ng nasabing lungsod.
Sinabi ni Jimenez na magkakaroon sila ng reassessment matapos ang tatlong (3) buwan at kung uubra na ay itutuloy pa rin ang Barangay at SK elections dito na itinakda sa Mayo 14.