Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang batas na naglalayong magkaroon ng National Feeding Program sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.
Layon ng Senate Bill 1279 na i-institutionalize ang feeding program na ginagawa ng Department of Education (DepEd) at Department of Social Welfare and Development (DPWH) para tuluyang mapuksa ang kagutuman at malnutrisyon.
Ang naturang panukalang batas ay akda ni Senador Grace Poe, Loren Legarda, Cynthia Villar, Bam Aquino, Minority Leader Franklin Drilon at iba pa.
Sa naging pag-aaral na ginawa ng Food and Agriculture Organization, labing anim na milyong mga batang Pilipino ang itinuturing na undernourished.