Ipinasa–subpoena ng Senado sina Public Attorney’s Office (PAO) Chief Atty. Percida Acosta at PAO Forensic Laboratory Director Dr. Erwin Erfe.
Ito ay makaraang hindi na naman dumalo sa pagdinig kahapon, Pebrero 6, ang dalawang (2) opisyal.
Ayon kay Senador JV Ejercito, chairman ng Senate Committee on Health, mahalaga na marinig din ang panig ng mga opisyal ng PAO at maibahagi ang kanilang mga hawak na impormasyon kaugnay sa kontrobersyal na dengvaxia vaccine.
Dagdag pa ni Ejercito, tila nakapagtataka kung bakit ayaw makipagtulungan ng mga ito sa isinasagawang imbestigasyon ng Philippine General Hospital (PGH).
Una ditto, iginiit ni Senator JV Ejercito sa PAO na makipagtulungan sa mga eksperto mula sa University of the Philippines-Philippine General Hospital o UP-PGH.
Batid ni Ejercito na mahalaga ang ginagawang pagsusuri ng PAO kaugnay ng mga nasawing bata matapos mabakunahan ng kontroberysyal na dengue vaccine na dengvaxia.