Masyado pang maaga para sisihin ang ipinasang TRAIN o Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law sa pagtaas ng inflation rate ng Pilipinas.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, maaari aniyang ang malikot na presyuhan ng langis sa world market ang posibleng dahilan ng pagtaas ng inflation.
Enero ng taong kasalukuyan lamag aniya nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang TRAIN kaya’t imposible na naipataw agad ang lahat ng buwis.
Naipapataw lang naman aniya ang karagagang buwis sa langis sa bagong suplay at hindi sa lumang inventory na kauubos lamang.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Jopel Pelenio
Posted by: Robert Eugenio