Umapela ng panalangin si Solicitor General Jose Calida sa publiko para matamo na ang ganap na kapayapaan sa buong rehiyon ng Mindanao.
Inihayag ito ni Calida makaraang pagtibayin ng Korte Suprema ang ginawang pag-apruba ng Kongreso sa isang taong pagpapalawig ng idineklarang Martial Law sa Mindanao.
Ayon kay Calida, malaking tulong ang nasabing pasya ng mga mahistrado para mapanumbalik ang kaayusan gayundin ay matiyak ang kaligtasan at katatagan sa rehiyon.
Giit pa ng SolGen na nagpapatuloy pa rin ang rebelyon sa Mindanao at nananatili aniya itong isang malinaw nabanta sa soberanya at intergirdad ng Mindanao sa ilalim ng Republika ng Pilipinas.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Bert Mozo
Posted by: Robert Eugenio