Nagtalaga ng limang bagong opisyal ng Bureau of Customs si Pangulong Rodrigo Duterte.
Batay sa appointment papers na inilabas ng Palasyo, pinangalanan ng Pangulo si dating Philippine National Railways Director Noel Patrick Prudente bilang BOC Deputy Commissioner.
Si Prudente ay kapalit ni Gerardo Gambala na itinalaga noong Nobyembre sa Department of Transportation.
Kabilang din sa mga naitalaga bilang directors sina Fernandino Tuason, Yogi Filemon Ruiz, Adzhar Aidarus Albani at Jeoffrey Tacio.
Posted by: Robert Eugenio