Ipinag-utos ng L.T.F.R.B o Land Transportation Franchising and Regulatory Board na pagkalooban ng diskwento sa pasahe ang mga Persons With Disabilities o PWD’s ng lahat ng mga public utility operators at drivers.
Batay sa inilabas na memorandum circular ng L.T.F.R.B, may 20 porsyentong diskwento sa pasahe ang mga PWD’s sa jeepney, bus, taxi, UV express at maging Transport Network Vehicles Service o TNVS tulad ng Uber at Grab.
Kailangan lamang ipakita ng PWD’s ang kanilang identification cards na inisyu ng National Council on the Welfare of Disabled Persons kapag sila ay magbabayad ng pamasahe.
Mahaharap sa mga parusa ang sinomang lalabag sa nasabing kautusan.
May multang 5,000 Piso para sa unang paglabag, 10,000 Piso naman at anim na buwang suspensyon ng CPC o Certificate of Public Convenience para sa ikalawang paglabag, samantalang kanselasyon na ng prangkisa para sa ikatlong paglabag.
Posted by: Robert Eugenio