Bumili ang pamahalaan ng labing anim (16) na bagong helicopters mula sa Canada na nagkakahalaga ng labing dalawang bilyong piso (P12-B).
Ayon kay Defense Spokesperson Arsenio Andolong, gagamitin ang nasabing mga helicopter para sa pagpapalakas sa pakikipaglaban ng Pilipinas kontra terorismo.
Makakatulong din aniya ito sa mga isinasagawang search and rescue, at disaster relief operation ng bansa.
Nakatakdang dumating sa bansa sa susunod na siyam (9) na buwan ang Bell 412 – EPI mula sa Canadian Commercial Corporation.
Magugunitang naging matagumpay ang tropa ng gobyerno sa limang (5) buwang pakikipagbakbakan sa grupong Maute matapos itong maghasik ng terorismo sa Marawi.