Nakatakdang magtitipon-tipon ang libu-libong mangigisda sa Luneta umaga ng Miyerkules, Setyembre 2, upang i-protesta ang nakatakdang pagpapatupad ng Republic Act 10654 o Amended Fisheries Code of the Philippines.
Ayon kay Dr. Mario Pascual, Presidente ng Pederasyon ng Samahan ng mga mangingisda sa buong Pilipinas, malaki ang epekto ng naturang batas dahil marami ang ‘di makakapalaot sa kanila upang mangisda dahil sa dami ng mga ipinagbabawal.
Masyado rin daw malaki ang multa sa mga lalabag sa naturang batas.
Tinatayang 50,000 mangingisda mula Mindoro, Batangas, Quezon, Bicol, Bulacan at Bataan ang lalahok sa protesta sa Miyerkules.
By Mariboy Ysibido