Napanatili ng New York Knicks ang pagiging ‘Most Valuable Team’ sa tatlong (3) magkakasunod na taon.
Batay ito sa inililabas na listahan ng Forbes kung saan aabot sa 3.6 bilyong dolyar ang halaga ng Knicks.
Mas mataas ang kitang ng Knicks ng siyam na porsyento (9%) kumpara noong nakaraang taon.
Sinasabing ito ay dahil sa mga ginawang renovation sa Madison Square na nagbukas pa ng mas maraming oportunidad mula sa sponsorship at tickets.
Samantala, pumangalawa naman sa listahan ng pinakamayayamang koponan ang Los Angeles Lakers na sinundan ng Golden State Warriors.