Ibinunyag ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman Andy Bautista na posibleng gamitin ng ahensya ang mga lumang PCOS machines na gagamitin sa darating na 2016 synchronized elections.
Aniya, bagama’t ibi-bid ng ahensya ang refurbishment at pag-upgrade sa 82,000 PCOS machines na gagamitin sa 2019 mid-term elections, pinag-aaralan din umano na magamit ang ilan sa mga ito sa May 2016 elections.
Idinagdag pa ni Bautista na sa kabila ng lumagda na ang poll body ng kasunduan sa Smartmatic para magamit ang bago at upgraded version ng PCOS machines, ay may posibilidad na gamitin din ang mga lumang makina para maabot ang voter-to-machine ratio na 600 voters per cluster kada makina.
Sinabi pa ni Bautista na ilang IT firms ang nagpahayag ng intensyong tumulong at magamit ang lumang PCOS machines na tinatayang nasa 82,000 at nakatago sa warehouse sa Laguna.
By Mariboy Ysibido