Balik Davao na ang mahigit dalawandaang (200) sumukong miyembro ng New People’s Army o NPA na nakasama ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang kahapon.
Kasunod ito nang pagtatapos ng tatlong araw nilang all-expense paid vacation sa Maynila sa paanyaya na rin ng Pangulo na inorganisa ng Armed Forces of the Philippines o AFP.
Ayon kay Brigadier General Reuben Basioa, Commander ng 701st Brigade ng Philippine Army, ang lahat ng surrenderees ay isasailalima sa proseso ng reintegration.
Bibigyan din aniya ang mga ito ng psychosocial counselling, TESDA skills training at livelihood assistance bago sila tuluyang ibalik sa kani-kanilang komunidad.
Sinabi pa ni Basiao na naging pagkakataon ang pagbisita ng mga dating rebelde sa Maynila para mabago ang kanilang pananaw sa kasaysayan ng Pilipinas at para magkaroon sila ng pagmamahal sa bansa.
(Ulat ni Jonathan Andal)