Maituturing na isang magandang pagkakataon ang ibinigay na basbas ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Special Assistant to the President Sec. Christopher Bong Go.
Ito’y ayon kay Senate Committee on National Defense Chairman Gringo Honasan hinggil sa panghihimasok umano ni Go sa 15.5 bilyong Piso na kontrata sa pagbili ng barkong pandigma ng Phil. Navy.
Ayon kay Honasan, malaki aniya ang naitutulong ng pagharap ng isang akusado para makapagbigay linaw hindi lamang sa court of public opinion kung hindi sa proper venues tulad ng Korte sa ngalan na rin ng transparency.
Pero para kay Senate Majority Floor Leader Vicente “Tito” Sotto, walang batayan ang paratang laban kay Go kaya’t nakatitiyak siyang taas noo itong haharap sa pagdinig ng Senado para sagutin ang usapin.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Cely Ortega-Bueno
Posted by: Robert Eugenio