Nag deploy na ang People’s Liberation Army ng China ng mga fighter jet sa pinag-aagawang South China Sea para sa isang joint combat mission.
Ipinadala ang mga Russian-Made Sukhoi-35 fighter jets sa karagatan upang pag-ibayuhin ang combat capability ng Chinese Air Force sa long-distance o high-sea conditions.
Ayon sa Chinese Defense Ministry, ipagpapatuloy ng kanilang Air Force ang pagbibigay kahalagahan ng siyensya at teknolohiya, rule of law at pag-pa-plano upang magwagi sa anumang digmaang posibleng sumiklab.
Samantala, inihayag naman si Retired Maj. Gen. Xu Guangyu na ang isinagawang aktibidad ay pagpapakita ng matatag na military cooperation ng Tsina at Russia.
Posted by: Robert Eugenio