Tumaas ang ranking ng University of the Philippines sa pinaka-bagong Asia University Rankings ng London-based Time Higher Education o T.H.E. Magazine.
Batay sa rankings ng T.H.E. Magazine, ang U.P. ang nag-iisang education institution sa Pilipinas na nakapasok sa top 200 o nasa 156th place mula sa 359 na pamantasang sinurvey sa rehiyon.
Kumpara ito sa 201st hanggang 250th ranking ng U.P., noong isang taon.
Ipinaliwanag ni U.P. Vice President for Academic Affairs Cynthia Rose Bautista na ang improved rating ay bunsod ng pagtaas ng kanilang credentials na umabot sa 40 percent ngayong taon mula sa 13.5 noong 2017.
Samantala, nanguna sa listahan ang National University of Singapore sa ikatlong sunod na taon at sinundan ng Tsinghua University at Peking University sa China at University of Hong Kong.
Posted by: Robert Eugenio