Dismayado ang DOTR o Department of Transportation sa kilos protesta na isinagawa ng militanteng grupong Anakbayan sa University of the Philippines – Diliman.
Ayon sa DOTR ang isinagawang kilos protesta ay bilang pagkondena aniya sa programa ng Inter-Agency Council Traffic o I-ACT na “Tanggal Usok – Tanggal Bulok”.
Nakatanggap kasi umano ng sumbong si Transportation Secretary Arthur Tugade mula sa mga estudyante hinggil sa maraming kakarag-karag na jeepney na bumubuga ng maiitim na usok ang bumibiyahe sa UP Campus kaya’t sinampulan ang mga ito ng I-ACT.
Giit ng DOTR hindi nila inaasahan na ang pinagmamalaking hanay ng Anakbayan bilang progresibong youth organization ay kokontra sa isang magandang programa tulad ng “Tanggal Usok- Tanggal Bulok” dahil lalabas aniya na taliwas ang aksyon ng nasabing grupo sa kanilang ipinaglalaban .
Aminado naman ang ahensiya na mahirap i-kampaniya ang nasabing programa ng pamahalaan laban sa mga kakarag-karag na jeep ngunit kailangan pa rin nila itong ipatupad para sa tunay progreso ng transportasyon sa bansa.
Posted by: Robert Eugenio