Umapela ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya na iwasang dumalo at makibahagi sa same sex union o ang itinuturing na kasal ng magkapareho ng kasarian.
Sa ipinalabas na kalatas ni CBCP President at Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas, sinabi nito na tinatawagan ang lahat ng Katoliko na tumulong na supilin ang kultura ng pagsasama ng magkapareho ang kasarian.
Binigyang diin ng arzobispo na hindi maaaring makiisa ang simbahan sa mga seremoniyang ligal o panrelihiyon upang ipagdiwang ang pagsasaligal ng homosexual union.
Iginiit ni Villegas na ang pagsasama sa pamamagitan ng matrimonyo ay para lamang sa mga babae at lalaki na may kaakibat na pananagutan sa pagkakaroon ng supling.
By Jaymark Dagala
1 comment
This headline is misleading. CBCP has not made such statement. Please read the full text given by Archbishop Villegas at CBCP News – http://www.cbcpnews.com/cbcpnews/?p=62674