Posibleng magsara ang ilang international companies dahil sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.
Matatandaang i-vineto ng Pangulo ang 15 percent na special tax rate para sa mga empleyado ng regional headquarters ng mga international companies kasama na ang nasa Business Process Outsourcing o BPO.
Ayon sa Philippine Association of Multi-National Companies Regional Headquarters Incorporated, tataas ng 5% hanggang 7% ang kanilang operational cost kung sasaluhin ang 35% na income tax rate na ipinapataw sa kanilang mga empleyado.
Naging napabilis din anila ng pagpapatupad ng TRAIN Law at hindi nagkaroon ng transition period sa mga kumpanya.
Sa katunayan, tatlo sa kanilang miyembro ang nag-iisip na magsara habang ang ilan ay nagpaplanong ilipat ng kanilang operasyon dahil sa tinanggal na tax incentive.
Kaugnay nito humirit ang samahan na Department of Finance o DOF na panatilihin ang special tax rate sa mga international companies na nasa Pilipinas na bago pa ang pag-iral ng TRAIN Law noong Enero.
—-