Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagbibigay ng libreng irigasyon sa mga magsasaka sa buong bansa.
Ayon kay Davao City Representative Karlo Nograles, Chairman ng House Appropriations Committee, dahil sa naturang batas ay magkakaroon ng dagdag kita ang mga magsasaka at magbibigay daan sa modernisasyon sa sektor ng agrikultura sa bansa.
Batay sa naturang batas, hindi na pagbabayarin ng irrigation fees sa National Irrigation Authority o NIA at iba pang state agencies at irrigation association ang mga magsasaka na nagtatanim sa walong (8) ektaryang sakahan pababa.
Hindi na rin pababayaran sa mga magsasaka ang mga utang na irrigation fees, interest at penalties sa NIA gayundin ang mga utang ng mga irrigation association.
—-