Nakatakdang dumalo ang kapatid ni North Korean Leader Kim Jong Un sa ginaganap na Winter Olympics sa South Korea.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na tatapak ang isang miyembro ng Kim ruling dynasty sa South matapos ang Korean war noong 1953.
Inaasahang magkikita sina South Korean President Moon Jae-In at Kim Yo Jong kasama ang delegasyon ng Pyongpyang sa nasabing sports event.
Pinalagan naman ito ng Amerika dahil umano sa paggamit ng NoKor sa Olympics para isulong ang kanilang propaganda.
—-