Limampu’t isa (51) katao ang isinugod sa mga ospital sa Cebu City matapos mabiktima ng food poisoning.
Kabilang sa mga nalason ay mga estudyante, magulang at mga gurong dumadalo sa National Musabaqah Skills Exhibition sa Ecotech Center sa Barangay Lahug.
Ang mga biktima na dinala sa Perpetual Succor Hospital at Cebu Doctors Hospital ay nakaranas ng pananakit ng tiyan, diarrhea at pagsusuka.
Hindi naman tinukoy sa report kung ano ang mga pagkaing isinilbi sa event at naging dahilan para malason umano ang mga biktima.
—-