Isinulong sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang muling ipagpaliban ang barangay elections na nakatakda sana sa Mayo ng taong ito.
Sakaling pumasa sa Kongreso, ito na ang ikatlong pagkakataon na maipagpapaliban ang barangay at SK elections sa ilalim ng Duterte administration.
Ang panukala ay nagmula kay Oriental Mindoro Congressman Reynaldo Umali.
Ayon kay Umali, mas gusto nyang magkaroon ng no election scenario sa Mayo upang magkaroon sila ng mas mahabang panahon para balangkasin ang pag-amyenda sa konstitusyon at pagbuo ng bagong sistema ng pamahalaan ang federalismo.
—-