Kumpiyansa ang Malakaniyang na malilinis din ang pangalan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa gagawing preliminary examination ng International Criminal Court o ICC.
Ito’y kaugnay ng isinampang kasong crime against humanity nila Atty. Jude Sabio, Sen. Antonio Trillanes IV at Magdalo Rep. Gary Alejano laban sa Pangulo hinggil sa mga paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng war on drugs.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, tila absuwelto na ang Pangulo hinggil sa usapin ng DDS o Davao Death Squad kung pagbabatayan ang ulat ni dating UN Special Rapporteur on Extrajudicial, Summary and Arbitrary Executions Philip Alston.
Dahil dito, umaasa si Roque na matutulad lamang sa naging findings ni Alston ang magiging resulta ng isasagawang preliminary examination ng ICC hinggil sa inihaing komunkasyon ni Trillanes.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Jopel Pelenio
Posted by: Robert Eugenio