Sumuko ang Pitong miyembro ng New People’s Army o NPA sa mga militar sa barangay Masi, Rizal Cagayan.
Ayon kay Lt. Col. Camillo Saddam, commanding officer ng 17th Infantry Battalion ng Philippine Army.
Ang mga hindi muna pinangalanang sumukong rebelde ay nabibilang sa grupong militia.
Sinabi ni Saddam na ang pagsuko ng mga ito ay dahil sa nangyaring engkwentro na tumagal ng sampung minuto sa pagitan ng militar humigit kumulang na sampung miyembro ng NPA.
Kasabay nito, pinabulaanan din ni Saddam ang paratang ng grupong KARAPATAN-Cagayan Valley na sapilitan umano nilang hinuli sa isang checkpoint ang isang pinaniniwalaang militia.
Giit ng opisyal wala silang nilabag na anomang batas dahil inimbitahan lamang nila ito upang matanong kaugnay sa naturang grupong kinabibilangan nito.
Posted by: Robert Eugenio