Hinikayat ng grupong PRO-Life Philippines ang publiko na iwasan ang pornograpiya, Human Immunodeficiency Virus at Acquired Immune Deficiency Syndrome o HIV/AIDS, lalo na ngayong papalapit ang Valentines Day.
Pahayag ni Anthony James Perez ng PRO-Life Philippines, kailangang mapaigting ang pagbibigay impormasyon sa publiko, partikular na sa mga magkasintahan hinggil sa kung paano maiiwasan ang pagkakaroon ng HIV/AIDS at hindi inaasahang pagbubuntis.
Base aniya sa datus ng Department of Health o DOH, noong 2016, umabot sa 10,500 na mga Filipino ang dinapuan ng sakit na HIV.
Ayon naman sa naging pag-aaral ng Commission on Population at Philippine Statistics Authority, patuloy parin na tumataas ang kaso ng teenage pregnancy sa bansa.
Posted by: Robert Eugenio