Pagkakaroon ng sindikato sa loob ng NFA o National Food Authority ang isang tinitingnang anggulo ni Senadora Grace Poe kung bakit nagkakaroon madalas ng kakulangan sa suplay ng bigas ng ahensya.
Ayon kay Poe, dapat maimbestigahan ang NFA kung mayroong pumipigil sa paglalabas ng impormasyon kung sapat ba o hindi ang suplay ng bigas ng ahensya.
Dagdag pa ng Senadora, noon pa man ay may mga kontrobersiya ng kinakaharap ang NFA tulad na lamang ng rice smuggling na apat na taon nang tinatalakay ngunit hanggang ngayon aniya ay hindi pa nareresolba.
Samantala, iginiit din ni Poe na dapat kumuha ang pamahalaan ng suplay ng bigas mula sa mga magsasaka sa bansa kaysa mag-import pa.
Ito umano ay malaking tulong para sa mga kababayang magsasaka kung saan magkakaroon sila ng mas malaking kita.
Posted by: Robert Eugenio